Personal na dumalo at nakiisa sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci sa isinagawang Graduation Ceremony ng programang “𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒈𝒖𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑨𝒏𝒂𝒌” na ginanap sa Nuciti Central Mall Calapan City, nitong ika-8 ng Disyembre.
Ang aktibidad na ito ang naging isa sa mga epektibong hakbang na isinulong ng Lokal na Pamahalaan, tungo sa pagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga kabataang magulang, kung saan nasa kabuuang 𝟭𝟬𝟮 na teenage mother na mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan ang matagumpay na nakatapos, hanggang 4th module ng nasabing programa.
Maayos na naisakatuparan ang Pagkalinga Program sa pangunguna at pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗣𝗗), at 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗)-𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.
Pinagsisikapan din itong ipagpatuloy ng Punong Lungsod, Mayor Morillo, kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗠𝗗, 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻, 𝗗𝗿. 𝗠𝗮. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗡𝗶𝗲𝘃𝗮-𝗕𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗠𝗗 (𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿-𝗗𝗲𝘀𝗶𝗴𝗻𝗮𝘁𝗲), at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗠. 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼, 𝗥𝗡, gayundin ng mga kawani ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁.
Samantala, naging malaking bahagi rin ng pagbibigay daan sa social protection program na ito ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗣𝗗)- 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, sa pangunguna nina 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱𝗼 𝗢. 𝗪𝗼𝗻𝗴 at 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗚𝗹𝗼𝗿𝗲𝗻 𝗥. 𝗛𝗶𝗻𝗹𝗼, gayundin ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗖𝗬𝗗𝗢), at 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗮𝗽 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗕𝗼𝗻𝗾𝘂𝗶𝗻, kasama si 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗦𝗞 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, 𝗠𝗿. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖. 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼.