Sa kalagitnaaan ng nararanasang epekto ng oil spill sa katubigan ng lungsod ay isa ang 𝗚𝗠𝗔 𝗞𝗮𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa naging katuwang ng City Government of Calapan upang umalalay sa mga mangingisdang apektado ang kabuhayan.

May kabuuang 𝟭,𝟮𝟬𝟬 𝗳𝗼𝗼𝗱 𝗽𝗮𝗰𝗸𝘀 ang inihatid ng GMA KF ‘𝑶𝒑𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒉𝒂𝒏’ para sa ilang coastal barangays sa lungsod. Nitong nakalipas na Abril 4, ay naunang nakatanggap ng ayuda ang 𝟰𝟯𝟮 pamilya mula sa Barangay Baruyan.

Ang isinagawang pamamahagi ay pinangasiwaan ni 𝗠𝘀. 𝗧𝗶𝗻𝗮 𝗗𝘂𝗻𝗴𝗰𝗮, 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳, 𝗚𝗠𝗔 𝗞𝗮𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗜𝗻𝗰𝗼𝗿𝗽𝗼𝗿𝗮𝘁𝗲𝗱 sa pakikipagtulungan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀.

Dumalo din sa gawain si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺 upang katawanin si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼. Sa pamamagitan ni 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗿𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗛𝗲𝗻𝗿𝘆 𝗗𝗿𝗶𝘀 ay ipinahayag ng mga benipisyaryo ang kanilang pasasalamat sa kabutihang loob ng GMA Kapuso Foundation para sa kanila.

Matapos sa ang relief distribution sa Baruyan ay sinundan ito ng pamamahagi ng kaparehong ayuda sa mga pamilya na residente ng mga sumusunod na barangay: 𝗪𝗮𝘄𝗮 – 𝟴𝟳 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮, 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 – 𝟭𝟬𝟱 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗲 – 𝟭𝟯𝟮 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮.

Samantala, nakatakda na ring dalawin ng GMA Kapuso Foundation ang iba pang coastal barangay upang maghatid pa rin ng ayuda na bahagi ng pagdamay para sa mga kababayan nating sa ngayon ay nakakaranas ng kakapusan bunsod ng epekto ng oil spillage sa ating katubigan.