Natalo man sa kanilang huling laban kontra sa Team Puerto Galera ay hindi nasira ang diskarte ng ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป sa muling pagsabak nito sa hard court ng ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ๐ฟ’๐ ๐๐๐ฝ: ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐จ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐๐ป ๐๐ฎ๐๐ธ๐ฒ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐น ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ.
Sa Sentrong Pangkabataan, Barangay Sapul, Calapan City, Oktubre 8, 2023 naganap ang laban ng ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป at ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ผ, dito ay muling nakita ang bangis ng mga manlalaro mula sa Calapan upang pataubin ang kanilang katunggali.
Sa unang limang (5) minuto ng unang kwarter ay gitgitan pa ang palitan ng puntos sa pagitan ng dalawang koponan subalit pagsapit sa nalalabing tatlong (3) minuto ay nagsimula nang pumutok ang mga shooters ng Team Calapan hanggang sa last 2 minutes. Tinapos nila ang first quarter na may 13 puntos na kalamangan, ๐ฎ๐ฒ-๐ญ๐ฏ ang score.
Kahit anong pagpipilit ng kalaban na bumawi ay hindi ito umiepekto at lalo pang lumobo ang kanilang abante dahil sa 13-0 run mula sa mga birador ng Team Calapan. Nagtapos ang 2nd quarter sa iskor na ๐ฑ๐ด-๐ฏ๐ฑ, 23 puntos ang lamang ng Team Calapan.
Ang buong 3rd quarter ay dominado pa rin ng koponan ng Calapan na nagtapos sa ๐ณ๐ณ-๐ฑ๐ฐ, lamang pa rin ng 23 puntos ang Calapan. Sa unang isang (1) minuto ng 4th and final quarter dahil sa pagpupumilit ng Team Socorro na tapyasin ang tambak na kalamangan sa kanila ay bahagyang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa sa manlalaro ng magkabilang koponan na parehong tinawagan ng ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.
Sa pagpapatuloy ng aksyon ay tila lalo pang ginanahan ang mga pambato ng Calapan na nagpatuloy sa pagkamada hanggang sa tuluyang tuldukan ang laban sa iskor na ๐ต๐ณ-๐ณ๐ฎ, tambak ng 25 puntos ang Team Socorro.