Hindi nagpahuli ang Lungsod ng Calapan! Hinirang na 𝑴𝒊𝒔𝒔 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 ang pambato ng Lungsod ng Calapan na si 𝗕𝗯. 𝗝𝗮𝘇𝗿𝘆𝗹 𝗚𝗮𝘆𝗲𝘁𝗮 sa katatapos lamang na 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟯 nitong ika-14 ng Nobyembre sa Bulwagang Panlalawigan.
Nagpakita naman ng suporta at personal na dumalo sa paligsahan si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang iba pang mga Municipal Mayors, at Vice Mayors.
Sa unang Question and Answer Portion, nakuha ni Gayeta ang katanungan tungkol sa kung paano niya tinutugunan ang mga expectations ng ibang tao. Aniya, nananatili lamang siyang mabuti at totoo sa kaniyang sarili. Binigyang-diin din niya na hindi ibang tao ang magtatakda sa kung ano o sino ka.
Samantala, sa Final Question and Answer Portion, itinanong sa Top 5 Candidates kung ano ang kanilang maibabahagi sa kapayapaan at pagkakaisa, at para kay Gayeta, “𝑨𝒔 𝒂 𝒃𝒆𝒂𝒖𝒕𝒚 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒂 𝒚𝒐𝒖𝒏𝒈 𝒘𝒐𝒎𝒂𝒏, 𝑰 𝒃𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆 𝑰 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒗𝒐𝒊𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒗𝒐𝒊𝒄𝒆 𝒊𝒔 𝒂𝒎𝒑𝒍𝒊𝒇𝒊𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒎𝒊𝒏𝒅 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒏 𝒂 𝒓𝒂𝒑𝒊𝒅𝒍𝒚 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝒅𝒆𝒗𝒊𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅, 𝒑𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒊𝒔 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆. 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝒊𝒔 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒐𝒖𝒓 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅 𝒓𝒐𝒐𝒕𝒆𝒅 𝒊𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆, 𝒂𝒍𝒕𝒓𝒖𝒊𝒔𝒎, 𝒂𝒏𝒅 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈…”
Dahil sa kaniyang ipinakitang galing at talino, nakuha kaagad ni Gayeta ang titulong 𝑴𝒔. 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎. Maliban dito, nakamit din niya ang 𝑴𝒔. 𝑷𝒉𝒐𝒕𝒐𝒈𝒆𝒏𝒊𝒄 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅 at Ikalwang Pwesto (2nd Place) sa 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑽𝒊𝒅𝒆𝒐 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏.
Ang Miss Oriental Mindoro 2023 ay isa sa pinakainaabangang paligsahan sa lalawigan at ito din ay bahagi ng pagdiriwang ng 𝑭𝒊𝒆𝒔𝒕𝒂 𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳 𝑻𝑨𝑵𝑨 na muling pinangunahan at pinagkaabalahan ng First Lady ng Lalawigan ng Oriental Mindor at President ng 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗜𝗻𝗰. na si 𝗠𝗮𝗱𝗮𝗺 𝗛𝗶𝘆𝗮𝘀 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗮𝘁 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗷𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻 (Thea Marie J. Villadolid/CIO).