Nakatanggap ang Lungsod ng Calapan ng parangal mula sa ‘𝟮𝟮𝗻𝗱 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗚 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗶𝗻 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝘀’. Kinilala ang 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 bilang 𝗙𝘂𝗹𝗹𝘆 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 para sa taong 2022 na may rating na 𝟭.𝟵.

Layunin ng ‘𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗚 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗘𝘅𝗰𝗲𝗹𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲’ na mabigyang pagkilala ang mga Lungsod at Munisipalidad sa buong bansa sa kanilang ‘𝒐𝒖𝒕𝒔𝒕𝒂𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒓𝒊𝒃𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏’ at ‘𝒃𝒆𝒔𝒕 𝒑𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒄𝒆𝒔’ para sa disaster risk reduction and management gayundin sa humanitarian assistance.

Sa parangal na ito ay lubos na hinahangaan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang husay, dedikasyon at kasipagan ng Cdrrmd, Calapan Mindoro sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa pamumuno ni 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝗲𝘀 𝗘𝘀𝗰𝗼𝘀𝗼𝗿𝗮 at sa kooperasyon ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 sa pangunguna naman ng Punong Lungsod.

Ang mga nagwagi ng Kalasag Seal of Excellence ay dumaan sa mabusising pagsusuri ng mga evaluators na pinagbasehan ang mga sumusunod na fields o areas: 𝗦𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲, 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗲𝗻𝗰𝘆, 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺, 𝗘𝗻𝗮𝗯𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗲𝘀, 𝗞𝗻𝗼𝘄𝗹𝗲𝗱𝗴𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (Junard Acapulco/CIO).