“Tapat sa kanyang pangako”. Ganyan mailalarawan ang Administrasyong Morillo. Upang ipadama ang kanyang lubos na pagmamahal sa mga Lolo at Lola sa Lungsod ng Calapan ay pinangunahan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang pamamahagi ng libreng gatas sa mga ito. Para kay Mayor Malou walang katumbas na halaga ang makitang masaya ang mga kapwa niya Senior Citizens na isa sa kanyang pinaghugutan ng inspirasyon upang pasukin ang pagiging isang lingkod-bayan. Patunay lamang ito na hindi nagkamali ang mga CalapeƱo sa pagtitiwalang ibinigay kay PetMalou upang pamunuan ang lungsod na ngayon ay ibinabalik sa taumbayan ang TAMAng Serbisyo na kanilang inaasahan. Kalakip ng bawat ngiti at yakap mula sa Pangunahing Mamamyan ay ang pagkapawi ng pagod para sa Ina ng Lungsod na may pantay-pantay na pagtingin sa kanyang mga anak, anumang sektor ang kanilang kinabibilangan.