Ika-10 ng Marso, sa Calapan City Plaza Pavilion, isinagawa ang 𝗚𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟯 Coronation na pinangunahan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, na bahagi pa din ng 𝑷𝑰𝑳𝑨𝑲𝒂-𝒎𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calapan.
Kinikilala ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang natatanging kontribusyon at gampanin ng ating mga Child Development Workers pagdating sa paggabay sa ating mga kabataan sa pagkakaroon ng magandang asal upang lumaking mga mabubuting mamamayan.
Ipinaabot rin niya ang kanyang paghanga sa ating mga Child Development Workers na nagpapakita ng tunay na dedikasyon sa pagkalinga sa mga bata sa kabila ng mabigat na mga responsibilidad na kanilang ginagampanan. Kabilang pa dito ang tungkuling malinang ang kanilang mga talento sa iba’t ibang larangan gaya ng pagsayaw, pag-awit, pagguhit at pagkulay at maging pagtula. Malinang ang kanilang tiwala sa sariling kakayahan at higit sa lahat makapagbigay kasiyahan hindi lamang sa kanilang mga magulang kundi maging sa mga tao sa kanilang paligid.
Sa naging mensahe naman ni 𝗖𝗔 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, pinaalala at binigyang-diin nito ang pagpapataas ng antas ng ugnayan ng ating mga CDWs at mga pangunahing tagapangalaga at may pananangutan sa mga bata — ang mga magulang.
Ayon naman kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗬𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, nawa’y lalong mapagtibay ang pundasyon sa pagbibigay ng nararapat na pangangailangan ng mga bata at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝑻𝑨𝑴𝑨 at may quality care para sa kanila.
Kinoronahan sina 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀 𝗗. 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗿𝗲𝘇 – 𝗧𝗶𝗯𝗮𝗴 𝗖𝗗𝗪 bilang 𝟭𝘀𝘁 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽, 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗹𝘆𝗻 𝗖. 𝗕𝗮𝗰𝗮𝘆 – 𝗕𝘂𝗵𝘂𝗮𝗻 𝗖𝗗𝗪 𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽, 𝗠𝘀. 𝗠𝗮𝗿𝗿𝗲𝗻 𝗤. 𝗣𝗼𝗿𝗰𝗶𝗻𝗼 – 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝟯𝗿𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽, 𝗠𝘀. 𝗝𝗼𝘃𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗠𝗶𝘀𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗢. 𝗟𝗼𝗷𝗼 – 𝗟𝗮𝗹𝘂𝗱 𝗖𝗗𝗪 𝟰𝘁𝗵 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽 at 𝗠𝘀. 𝗥𝗼𝘅𝗮𝗻𝗻𝗲 𝗠. 𝗠𝗮𝗻̃𝗶𝗯𝗼 – 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗖𝗗𝗪 na hinirang na 𝗚𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿 𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻.
Ang mga nalikom sa nasabing popularity contest ay mapupunta sa mga napipintong mga programa at proyekto ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
Naging bahagi rin ng naturang programa ang Oath Taking Ceremony ng CDW Federation Officers na pinangunahan din ni CA Atty. Reymund Al F. Ussam.


















