Dinaluhan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang GAD Council Technical Working Group Orientation and Recalibration Woskshop on GPB 2023 na pinangunahan ni Ms. Ellaine Diomampo (Special Consultant in Gender and Development) sa Conference Room, City Hall, ika-8 ng Nobyembre.
Kabilang sa GAD Council Technical Working Group ang ilan sa mga key staff ng iba’t ibang departamento at mga kinatawan mula sa tatlong Civil Society Organizations: LILAC, Calapenya, at SANAKA.
Layunin ng konseho na tulungan ang pamahalaang lungsod na masiguro na ang mga programa at serbisyong ibinibigay sa taumbayan sa gender responsibe.
“Ako ay kaisa ninyo sa pagsusulong ng gender empowerment kaya naman pagtulungan natin ang pagsisiguro na ang ating mga programa ay inclusive,” – Mayor Malou
Una kay Mayor petMalou ang kapakanan ng taumbayan at kasama na dito ang pagpapaigting ng gender mainstreaming ng Pamahalaang Lungsod.
Hangad din ng Pamahalaang Lungsod na makilala bilang gender responsive local government unit at maigawad muli sa Calapan ang Seal of Good Local Governance (Thea Marie J. Villadolid/CIO).
