Matapos pangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang first quarterly meeting ng 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲, na isinagawa sa Mangyan Hall Heritage Museum, umaga noong Marso 16, 2023 ay sinundan ito ng 𝗚𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗴 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯 na isinagawa naman sa City Convention Center, Tawiran Calapan City pangunguna pa rin ng Punonglungsod ng Calapan.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing okasyon ay mga opisyal at representante ng iba’t ibang national agencies at ilang LGU officials mula sa mga munisipalidad sa rehiyon.

Bagamat hindi nakadalo sa okasyon ang limang Gobernador ng MIMAROPA na sina 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗚𝗮𝗱𝗶𝗮𝗻𝗼, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗱𝘂𝗾𝘂𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗣𝗿𝗲𝗯𝗶𝘁𝗲𝗿𝗼 𝗩𝗲𝗹𝗮𝘀𝗰𝗼, 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗥𝗶𝗮𝗻𝗼 at 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗼 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗦𝗼𝗰𝗿𝗮𝘁𝗲𝘀 ay pinasalamatan sila ni City Mayor Morillo sa kanyang ipinahayag na mensahe.

“𝑾𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒓𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒛𝒆𝒅 𝒂𝒔 𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒔𝒕𝒆𝒔𝒕 𝒈𝒓𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒈𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝑰 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒕𝒐 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒕𝒆 𝒊𝒕 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒖𝒔 𝑺𝒊𝒍𝒗𝒆𝒓 𝑪𝒊𝒕𝒚𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚, 𝑻𝒉𝒆𝒎𝒆: 𝑷𝑰𝑳𝑨𝑲 𝑪𝑨𝑳𝑨𝑷𝑨𝑵! (𝑃𝑎𝑔𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑏𝑎𝑦 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝐿𝑢𝑛𝑡𝑖𝑎𝑛, 𝐴𝑠𝑒𝑛𝑠𝑎𝑑𝑜 𝑎𝑡 𝐾𝑢𝑚𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔 𝐶𝑎𝑙𝑎𝑝𝑎𝑛)”.

“Our region’s journey towards achieving goals such as revitalizing the economy especially after the pandemic and promotion of Environmental Sustainability along with the delivery of Equitable Social Services is a testament that MIMAROPA Region is committed in nurturing each member province to be resilient and to scale up our capabilities to be future-ready” – City Mayor Malou Flores-Morillo

Sina 𝟭𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻 at 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗔𝗹𝗳𝗼𝗻𝘀𝗼 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶, 𝗝𝗿. ay parehong nakadalo sa MIMAROPA Night na nagbigay ng kanilang inspirational message sa mga panauhin.

Kinatawan ni 𝗗𝗶𝗿. 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮, 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻-𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹/𝗡𝗘𝗗𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 si 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗥𝗶𝗮𝗻𝗼, 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗥𝗗𝗖, upang ipresenta ang mga naging tagumpay ng Rehiyong MIMAROPA gayundin ang mga nakalinya pang mga proyektong pangkaunlaran para sa buong rehiyon partikular sa Oriental Mindoro na siyang kinikilala bilang MIMAROPA’s Regional Government Center.

Samantala, upang mas pasiglahin ang gabi, sa Cultural Presentations ay binigyang kulay ang gabi ng mga makasaysayang musika mula sa ‘𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗞𝘄𝗲𝗿𝗱𝗮𝘀’ gayundin ng mga pangkulturang sayaw hatid ng ‘𝗕𝘂-𝗮𝘆𝘄𝗮 𝗙𝗼𝗹𝗸𝗹𝗼𝗿𝗶𝗰 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗧𝗿𝗼𝘂𝗽𝗲’.

Sa bahagi ng Entertainment and Socialization ay mas pinasigla ang Gabi ng MIMAROPA sa pamamagitan ng ‘𝗔𝗹𝗼𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗻𝗱’.

Sa pangkalahatan ay naging makabuluhan ang nasabing okasyon at inaasahang ito’y aambag tungo sa higit pang pag-asenso ng Rehiyong MIMAROPA.