Free medical consultation isinagawa sa Calapan city public market

𝑲𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒎𝒊𝒎𝒊𝒍𝒊 𝒂𝒕 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒏𝒊𝒏𝒅𝒂, 𝒔𝒂 𝑰𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂.

Naging tila maagang pamasko para sa Calapan City Public Market vendors and stall owners at maging sa mga naroroong mamimili ang isinagawang libreng 𝒎𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒖𝒍𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗘𝗻𝗣 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, noong ika-1 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Naging posible ang naturang free medical consultation ng city government dahil na rin sa dedikasyon at butihing puso nina 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝗻𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗖. 𝗝𝘂𝗺𝗶𝗴 kasama sina 𝗜𝗿𝗲𝗹 𝗝𝗼𝘆 𝗔. 𝗝𝘂𝗺𝗶𝗴 𝗥𝗡, 𝗠𝗮. 𝗢𝗹𝗶𝘃𝗶𝗮 𝗔. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀 𝗥𝗡, at 𝗠𝗲𝗿𝗿𝗶𝗲 𝗝𝗼𝘆 𝗠𝗲𝗻𝗼𝗿 𝗥𝗡 na syang nanguna sa nasabing konsultasyon.

Pagpapatunay lamang ito na mahalaga sa Ina ng Lungsod ang kapakanan at maayos na kalusugan ng kanyang nasasakupan. Sa pagkakataong ito, manininda o mamimili ka man.

Matapos ang libreng konsultasyon at libreng sugar test, may ipinamahagi rin ang CEED na libreng vitamins.