” Gusto ko na palaging malusog at ligtas sa anumang karamdamanan ang aking mga minamahal na
kababayan, Asahan ninyo na ang inyong Mayora ay patuloy na magsisikap upang maibigay sa taumbayan
ang mga serbisyo na nararapat para sa inyo” — Mayor Malou Flores-Morillo.
Nasa mahigit 60 mga residente naman ng Barangay Managpi, Calapan City ang naging benipisyaryo ng Free Pneumococcal Vaccines na isa sa mga serbisyong pangkalusugan na patuloy na ipinatutupad ng administrasyon ni City Mayor Morillo para sa mga Calapeño.
Enero 13, 2024, sa Senior Citizen’s Building ng nasabing barangay ay pinangunahan ni Mayor Malou ang pagbibigay ng proteksyon laban sa sakit na pneumonia para sa mga residente dito na nagmula sa iba’t ibang sektor.
Pinangasiwaan ito ng mga kawani ng City Health and Sanitation Department na sina Dr. Von Hidalgo, nurse na si Mr. Christian Alferez at pharmacist ng Botika ng Lungsod na si Ms. Camille Agoncillo .
Naroon din si Mr. Jaypee Vega, Head of Barangay Affairs and Sectoral Concerns, mga kawani ng Serbisyong TAMA Center at ang nakababatang kapatid ni Mayor Malou na si Ms. Charissa Flores-Sy.
Maliban sa libreng bakuna ay nabigyan din ng pagkakataon na magpakonsulta ang mga bata, matatanda at iba pang may karamdaman. Nakatanggap din ng maintenance medicine na Amlodepine at Lozartan ang mga nakakaranas ng mataas na presyon ng dugo at cholesterol. Samantalang may libreng insulin naman sa mga diabetic.
Personal namang tinaggap ni Barangay Captain Teodulo Macaraig ang medical kit na kinapapalooban ng BP Apparatus, Oximeter at Thermometer. Kasunod nito ang kanyang pagpapaabot ng pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod sa aniya’y hindi na mabilang na tulong na ipinagkakaloob sa kanilang barangay.
Ang hakbang na ito ay inisyatiba ni Mayor Malou Flores-Morillo na naglalayong mailapit sa taumbayan ang mga serbisyo at programa ng Pamahalaang Lungsod.