Matagumpay na ginanap sa City College Activity Center ang unang pagpupulong ng 𝗗𝗢𝗟𝗘 sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Field Office at 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗜𝗻𝗰.(𝗣𝗠𝗔𝗢𝗠𝗜) para sa taong 2023, ika-23 ng Pebrero.
Naging bukas naman ang Calapan sa pagsalubong at pagkilala sa mga bisita mula sa DOLE at mga miyembro ng PMAOMI sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝗲𝗿 𝗔𝗽𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗠. 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿.
Pinangunahan naman ang pagpupulong nina 𝗠𝗿. 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗠. 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗮𝘆𝗲, 𝗝𝗿., 𝗣𝗠𝗔𝗢𝗠𝗜 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁, at 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗙. 𝗧𝗮𝗺𝗮𝗰𝗮𝘆.
Ilan sa mga tinalakay ay ang mga update sa mga naging programa ng 𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀, 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, at 𝗻𝗴 𝗣𝗘𝗦𝗢 dito sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Gayundin ay ipinisinta ni Mr. Tamacay ang mga target ng DOLE para sa taong 2023 partikular na sa mga bilang ng benepisyaryo kada munisipalidad para sa mga programa tulad ng TUPAD, Livelihood (Group at Individual), SPES, Child Labor, at iba pa.






