Nagtungo sa tanggapan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang ilan sa mga opisyales ng 𝗦𝗶𝘁𝗶𝗼 𝗦𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝘂𝗰𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 sa pangunguna ng kanilang 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 na si 𝗠𝗿. 𝗡𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗭. 𝗡𝗼𝗻𝗲𝘀𝗰𝗮𝗻 kasama ang ilan sa kanyang mga ka-barangay.
Sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, binigyang daan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang pagbibigay ng 𝒄𝒂𝒔𝒉 𝒂𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 sa mahigit 15 na pamilyang maaapektuhan ng isasagawang demolisyon.
Sila ay inaasahang makatatanggap ng nagkakahalagang 𝗣𝗵𝗽 𝟮𝟭,𝟯𝟬𝟬 cash assistance bilang suportang ayuda habang naghihintay pa ng relocation area na maaari nilang lipatan.
Ito ay kaagad na inaksyonan sa kadahilang ang lupang tinitirikan ng kani-kanilang mga bahay ay itinuturing na isang pribadong lugar na mayroong nagmamay-ari.
Kaugnay nito, susubukan din ng Punong Barangay ng San Antonio na gumawa ng iba pang paraan upang madagdagan pa ang ibinigay na cash assistance para sa kanila.





