Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝐶𝑇𝐼𝐷 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟, 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗲𝗹𝗼 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗦. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗖𝗘𝗦𝗘, matagumpay na naisagawa ang “𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝑭𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆”, para sa mga kabataang mag-aaral na mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Calapan, ginanap sa Nuciti Central Mall Calapan, nitong ika-2 ng Disyembre.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa idinaos na 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗞𝗶𝗱𝘀 𝗦𝗲𝗮𝘀𝗼𝗻 𝟳 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻, na nakaangkla sa temang “𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐: 𝑳𝒂𝒍𝒂𝒈𝒐 𝒂𝒕 𝑨𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒏𝒆𝒏𝒆𝒈𝒐𝒔𝒚𝒐”, kung saan nabiyayaan ng 𝗣𝗵𝗣 𝟵,𝟬𝟵𝟬 ang bawat isa sa labing-isang (11) kwalipikadong grupo ng mga mag-aaral na mula sa 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗢𝗠𝗡𝗛𝗦), 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗼𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 (𝗖𝗩𝗛𝗦), 𝗡𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, at 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.
Ang programa para sa paggagawad ng tulong pinansyal na nasa kabuuang 𝗣𝗵𝗣 𝟭𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬.𝟬𝟬 bilang paunang kapital na inilaan ng Pamahalaang lungsod ng Calapan, para sa mga batang negosyante ay sinuportahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty. Jel Magsuci, batid nilang malaki ang maitutulong nito, para makapagsimula sila ng sarili nilang mga negosyo at mas mapaunlad pa ang kanilang kakayahan sa paglikha at pagbebenta ng mga maipagmamalaking lokal na produkto sa Lungsod.
Samantala, kasama rin ng Punong Lungsod na dumalo sa makabuluhang gawaing ito sina 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗘. 𝗛𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮, 𝐶𝐸𝑆𝑂 𝑉 (𝑃𝑟𝑜𝑣𝑖𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙 𝐷𝑖𝑟𝑒𝑐𝑡𝑜𝑟, 𝐷𝑒𝑝𝑎𝑟𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑜𝑓 𝑇𝑟𝑎𝑑𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑛𝑑𝑢𝑠𝑡𝑟𝑦), at 𝗠𝗺𝗲. 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗠. 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 (𝑆𝑐ℎ𝑜𝑜𝑙𝑠 𝐷𝑖𝑣𝑖𝑠𝑖𝑜𝑛 𝑆𝑢𝑝𝑒𝑟𝑖𝑛𝑡𝑒𝑛𝑑𝑒𝑛𝑡, 𝐷𝑒𝑝𝐸𝑑-𝐷𝑖𝑣𝑖𝑠𝑖𝑜𝑛 𝑜𝑓 𝐶𝑎𝑙𝑎𝑝𝑎𝑛 𝐶𝑖𝑡𝑦).