73 taon na ang nakalipas nang maitatag ang Lalawigan ng Oriental Mindoro at taun-taon, ito ay sama-samang ginugunita ng mga Mindoreños. Sa taong 2023, muling inilatag ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 73𝒓𝒅 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 nitong ika-15 ng Nobyembre.
Pasasalamat sa Panginoon ang siyang laging una sa kasiyahan kaya naman nagkaroon ng 𝑴𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏 sa Sto. Niño Cathedral na sinundad naman ng 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒅𝒂 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏.
Nagkaroon din ng 𝑫𝒓𝒖𝒎𝒔 & 𝑮𝒍𝒐𝒄𝒌𝒆𝒏𝒔𝒑𝒊𝒆𝒍 𝑩𝒂𝒏𝒅 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 kung saan nagtagisan ng husay sa pagtugtog at pag-indak ang iba’t ibang paaralan at institusyon.
Sa Gabi ng Pagdiriwang ay handog naman sa mga Mindoreños ang masaya, nakakakilig, at mapanakit na mga awitin mula sa mga local bands at sa pinakainaabangan ng lahat, ang 𝗕𝗲𝗻&𝗕𝗲𝗻.
Talagang punong-puno ng saya ang pagdiriwang ng ating kapistahan at lahat ng ito ay mula kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor at Vice Governor Ejay Falcon.