“𝑩𝑨𝑵𝑮𝑲𝑨 𝑴𝑶, 𝑮𝑨𝑾𝑨 𝑴𝑶”

Bumisita si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa Brgy. Mahal na Pangalan, kasama ang mga kawani ng 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗾𝘂𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 (𝗕𝗙𝗔𝗥) 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 sa pangunguna ni 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗘𝗺𝗺𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗛. 𝗔𝘀𝗶𝘀, 𝗗𝗙𝗧, 𝗖𝗘𝗦𝗘, para bisitahin ang Fisherfolks na apektado ng oil spill na tinutulungang magkaroon ng sariling bangka, sa pamamagitan ng “𝗙𝗶𝗯𝗲𝗿𝗴𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗕𝗼𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴”, isinagawa nitong araw ng Biyernes, ika-12 ng Mayo.

Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay mula sa Oriental Mindoro at 5 rito ay mula sa Lungsod ng Calapan, kung saan sa unang bahagi, 25 na benepisyaryo ang gumawa ng kanilang sariling bangka, simula nitong ika-1 hanggang 15 ng Mayo, samantalang sa ikalawang bahagi, panibagong 25 na benepisyaryo muli ang gagawa ng kanilang sariling bangka simula sa ika-16 hanggang 31 ng Mayo.

Kaugnay nito, naisakatuparan ang aktibidad na ito sa pagtutulungan ng B𝗙𝗔𝗥 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗺𝗽𝗮𝘆𝗮, at 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔), kung saan ang mga benepisyaryo ay sinasabing makatatanggap din ng 𝗡𝗖 𝗜𝗜 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 at mayroon din silang matatanggap na sweldong P355 kada araw.