Fertilizer discount vouchers, ipinagkaloob sa Guinobatan at Pachoca Farmers

Ipinamahagi ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang 𝑭𝒆𝒓𝒕𝒊𝒍𝒊𝒛𝒆𝒓 𝑫𝒊𝒔𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕 𝑽𝒐𝒖𝒄𝒉𝒆𝒓 na may kabuuang halaga na 𝗣𝗛𝗣 𝟯𝟰𝟭,𝟮𝟬𝟬 sa mga

magsasaka ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻 at 𝗣𝗮𝗰𝗵𝗼𝗰𝗮 nitong ika-16 ng Pebrero.

Nasa 𝟲𝟰 magsasaka na miyembro ng 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ng 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻 at 𝗣𝗮𝗰𝗵𝗼𝗰𝗮 ang nakatanggap ng Fertilizer Discount Voucher na nagkakahalagang 𝗣𝗛𝗣 𝟰,𝟬𝟬𝟬 kada ektarya.

Ang mga urban barangays na tulad ng nabanggit ay ilan lamang sa hindi nakatatanggap ng vouchers sa nakalipas ng tatlong season ng pagsasaka. Kaya naman minabuti ni Mayor Morillo na agad itong tugunan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture.

Nakasama naman ng Punong-lungsod sa pamamahagi ng vouchers ang kaniyang 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 na si 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶.

Sa administrasyong Morillo, lahat ng daing ay pinakikinggan at sisiguruhin ng Pamahalaang lungsod na walang maiiwan,