Expanded Health Program sa Brgy. Palhi

Muling naghandog ang pamahalaang lungsod ng libreng serbisyong medikal ika-10 ng Disyembre, sa Barangay Palhi.

Sa pamamagitan ng ‘Expanded Health Program’ ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, layon na higit pang maalalayan at maserbisyuhan ang taumbayan pagdating sa araw-araw na usaping pangkalusugan.

Dinagsa ng mga residente ng nasabing barangay ang naturang aktibidad, dahil libre itong ipinagkaloob ng City Government.

Nangako naman ang Expanded Health Program Team na ipagpapatuloy nila ang kanilang nasimulang pagbibigay serbisyo sa taumbayan, lalong higit sa mga nangangailangan.

Ilan lamang sa serbisyong napakinabangan ng mga taga-Barangay Palhi ay ang Free Anti-Pneumonia Vaccine, Flu Vaccine, Health Card Services (membership & renewal), eyeglasses referral, libreng konsultasyon at gamot, X-ray at madami pang iba.