Mahusay na naibaba ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, noong ika-8 at 10 ng Oktubre ang Expanded Health Program sa Barangay Sta. Maria Village at Malad. Patuloy na umaarangkada ang lokal na pamahalaan, upang maihatid sa iba’t ibang barangay sa kalungsuran ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, kung saan handog ng programang ito ang libreng Anti-Pneumonia vaccine, HPV Vaccine, dental health services, health card services (membership & renewal), eyeglasses referral, medical consultation, X-ray, libreng mga bitamina, gamot at iba pa.