Walang tigil na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang barangay ang patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Malou Flores-Morillo.
Sa pamamagitan ng Expanded Health Program ng Ina ng Lungsod, inilalapit sa taumbayan ang mga serbisyong may kinalaman sa pagpapalusog, pagsusuri, at pagmomonitor sa pangangatawan ng mamamayan.
Ginanap kahapon, April 6, nagtungo naman sa Brgy. Balingayan ang puwersa ng mga volunteer, duktor, nurse at kinatawan mula sa Serbisyong TAMA Center upang isagawa ang mga libreng serbisyo kagaya ng check-up, pagbibigay ng mga bitamina at gamot, anti-pneumonia vaccine, libreng salamin sa mata, at libreng tuli.
Dumalo rin si Mayor Morillo sa aktibidad na ito upang personal na makamusta ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa Brgy. Balingayan.
Leave a Reply