Sa ilalim ng programang ‘The Green City of Calapan,’ matagumpay na isinagawa ang ‘Environmental Summit 2024’ noong Nobyembre 21 sa Calapan City Convention Center. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Environment and
Natural Resources Department (CENRD) sa pangunguna ni City ENRO Wilfredo G. Landicho. Aktibong nakilahok ang mga barangay opisyal ng lungsod at iba’t ibang guest speaker na tinalakay ang mahahalagang usapin gaya ng: 🌿 Ecological Solid Waste Management 🌿 Barangay Health and Sanitation 🌿 Barangay Environmental Policies and Compliance 🌿 Mga Pamantayan para sa Most Eco-Friendly Barangay 🌿 Pagpapakilala ng EPR Mobile Application Ilan sa mga naging tagapagsalita ay sina Engr. Mark Angelo S. Rogel, Mr. Arnold S. Rojas, Mr. Whalee F. Ferrera, EnP. Elizabeth L. Abogado, at Mr. Francisco F. Aspa Jr. Layunin ng summit na higit pang palakasin ang mga inisyatibo sa kalikasan at kalusugan sa bawat barangay ng Calapan City.
Leave a Reply