Makalipas ang dalawang magkasunod na taon na hindi nakapagsagawa ng 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗤𝘂𝗶𝘇 𝗕𝗲𝗲 dahil sa nagdaang pandemya ay muling binuhay ito sa ginanap na 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶𝗿𝗮𝗻, Marso 11, 2023, na bahagi pa rin ng mga nakalinyang programa kaugnay sa nalalapit na Ika-25 Taon ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Calapan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗘𝗡𝗥𝗗) na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗹𝘆 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼, sa pakikipagtuwang nito sa 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 na kinatawan ni 𝗠𝘀. 𝗡𝗼𝗶𝗱𝗮 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗿𝗼, 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗼𝗿 𝗶𝗻 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲.
Layunin ng Environmental Quiz Bee na pataasin ang kamalayan ng mga kabataan sa usaping pangkapaligiran. Binibigyang daan din nito ang pagkatuto nila ukol sa pangangalaga, proteksyon at konserbasyon ng ating likas-yaman. Dahil ito ay isang kompetisyon ay napapaunlad din nito ang ‘𝒄𝒐𝒎𝒑𝒆𝒕𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒔𝒑𝒊𝒓𝒊𝒕’ ng mga kabataang lumalahok dito.
Sinabi ni City Environment and Natural Resources Officer Willy Landicho sa kanyang mensahe na tanging ang pagkakaisa ng Pamahalaan at ng mga mamamayan ang siyang susi upang mabawasan natin ang pagkasira ng ating kalikasan. Sinamantala din niya ang pagkakataon upang maipabatid ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa ukol sa paggamit ng 𝘀𝗶𝗻𝗴𝗹𝗲-𝘂𝘀𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 sa Lungsod ng Calapan, gayundin ng mga negatibong dulot ng plastic sa kalusugan ng tao at kapaligiran.
Ang Environmental Quiz Bee 2023 na ginanap sa ABC Hall, Local Government Center, City Hall Complex ay nahati sa dalawang kategorya, ito ay ang ‘𝑬𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝑳𝒆𝒗𝒆𝒍’ at ‘𝑺𝒆𝒄𝒐𝒏𝒅𝒂𝒓𝒚 𝑳𝒆𝒗𝒆𝒍’ na nilahukan ng mga pribado at pampublikong paaralan.
Sinubok ang kaalaman ng mga kalahok sa pamamagitan ng pagsagot sa easy, average at difficult na mga katanungan tungkol sa kalikasan, mga batas, ordinansa at polisiyang umiiral ukol sa protection, conservation at restoration ng ating kalikasan.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, para sa Elementary Level ay tinanghal na 𝟯𝗿𝗱 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮 𝗡𝗶𝗰𝗼𝗹𝗲 𝗕𝗮𝗴𝗮𝗻𝗼 mula sa 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆, 𝟮𝗻𝗱 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗔𝗿𝗸𝗶𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗦𝗼𝗹𝗶𝘀 ng 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝘁𝗶𝗰𝗼 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 at 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 si 𝗦𝗵𝗮𝘄𝗻 𝗞𝗲𝗻𝗱𝗿𝗶𝗰𝗸 𝗚𝗮𝗻𝘇𝗼𝗻 mula pa rin sa 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆.
Samantala, para sa Secondary Level ay 𝟯𝗿𝗱 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗦𝗶𝗺𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮 ng 𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆, 𝟮𝗻𝗱 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲𝗿 si 𝗡𝗲𝗰𝘀𝗼𝗻 𝗗𝗮𝗿𝘆𝗹 𝗘𝘀𝘁𝗼𝗹𝗲 mula sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 at 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 naman si 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹 𝗙𝗿𝗶𝘁𝘇 𝗕𝗮𝘆𝗹𝗼𝗻 mula pa rin sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹.
Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng Glass Plaque at Cash Incentive na 𝗣𝟯,𝟬𝟬𝟬, 𝗣𝟰,𝟬𝟬𝟬 at 𝗣𝟱,𝟬𝟬𝟬 ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang kanilang mga teacher/coach ay pinagkalooban din ng insentibo bilang pagkilala sa kanilang pagtityaga na magturo sa kanilang mga pambato.
Ang kasalukuyang administrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ay mariing naninindigan sa pagtataguyod ng mga programa na magsusulong ng kagalingan ng kalikasan, kabuhayan ng mga mamamayan at pantay na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa taumbayan.















