“May Nutribun na sa Calapan!”

Matapos ang Flag Raising Ceremony ay binalita at kinilala ng CHSD-Nutrition Section ang Floro’s Bakery bilang kauna-unahang bakery na nag-adopt ng DOST-FNRI’s enhanced nutribun technology sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Nobyembre 14.

Sa tulong ng PSTO-Oriental Mindoro at ng CHSD-Nutrition Section ay naipinagkaloob ng DOST-Food and Nutrition Research Institute ang Technology Licensing Agreement.

Gayundin ay sumailalim ang mga trainees mula sa Floro’s Bakery sa 3-day virtual technology transfer training sa paggawa ng enhanced Nutribun – Squash Variant na ngayon ay mabibili na sa kanila.

Ito ay patunay na Pamahalaang Lungsod at ang mga establisyimento gaya ng Floro’s Bakery ay kaisa ng pamahalaan sa pagbibigay ng masustansya at abot-kayang pagkain upang tugunan ang gutom at malnutrisyon sa ating bansa.