Bilang siyang Provincial Chairman of the Board ng Philippine National Red Cross (PNRC) Oriental Mindoro Chapter ay buong-sikap na sinusuportahan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang lahat ng programa ng institusyong ito.

Gaya na lamang ng isinagawang 8 Day- Training of Trainers for Vulnerability Capacity Assessment (VCA)/BDRRT sa Eduardo’s Resort Barangay Bayanan II Calapan City , October 2-8, 2022.

Ang nasabing programa ay nilahukan ng mga Barangay at LGU volunteers mula apat na PNRC Chapters na kinabibilangan ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Guimaras at Romblon.

Layunin nito na bigyang sapat na kasanayan ang mga partisipante hinggil sa Disaster Management Planning.

Nakapaloob din sa pagsasanay ang field practicum na isinagawa sa coastal area ng Barangay Navotas. Upang maipaabot sa mga komunidad ang programang ito ng PNRC ay nakatakda na rin gawin ang pagtuturo ng First Aide Technique and Basic Life Support sa napiling benipisyaryo nito gaya ng Barangay Navotas at Nag-iba National High School.

Ayon kay Ms. Guada Fe De Leon, PNRC-CA, maliban sa disaster response ay marami pang humanitarian services na ipinagkakaloob ang Philippine National Red Cross at isa na rito ang pagkakaloob ng libreng dugo.

Sinabi ni Mayor Malou nang bumisita ito sa huling araw ng programa, na mananatili ang mainit niyang pagsuporta sa mga programa at hangarin ng institusyon sa kabila ng kanyang malaking responsibilidad bilang Punong Lungsod ng Calapan.

Parte na ng buhay ni Mayor Malou ang pagkakawang-gawa na mas lubos niyang naintindihan nang pumasok ito sa pulitika.

Kasama sa mga naging facilitator sa programa ay sina Seth Sarmiento,Senior Disaster Risk and Management Officer, Job Lim,Chapter Service Representative, Desiderio Tacaisan Jr., Research and Development Technical Officer at Enrico Rafael Untalan, National Project Officer.