“𝑨 𝒍𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚 𝒊𝒔 𝒂 𝒈𝒓𝒐𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒔𝒎.”
— S.R. Ranganathan
Kasabay ng pagdiriwang ng 𝟯𝟯𝗿𝗱 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 (𝗟𝗜𝗦) 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, pinangunahan ni 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘓𝘪𝘣𝘳𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝗖𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗣. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ang pagtitipon ng mga 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓-𝒊𝒏-𝑪𝒉𝒂𝒓𝒈𝒆 upang ibahagi ang mga serbisyong maaari nilang ipagkaloob sa kanilang baranggay, ika-28 ng Nobyembre sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻.
Sa temang “𝑳𝑬𝑻𝑺 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒊𝒆𝒔: 𝑳𝒆𝒂𝒓𝒏𝒊𝒏𝒈, 𝑬𝒎𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓𝒊𝒏𝒈, 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒓𝒂𝒏𝒔𝒇𝒐𝒓𝒎𝒊𝒏𝒈 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒆𝒕𝒚 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒊𝒆𝒔”, naging misyon ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 at ng City Public Library of Calapan ang itampok ang papel ng mga silid-aklatan sa pagpapaunlad ng kaalaman at maging kabuhayan.
Gayundin, hinihikayat ng City Public Library ang paglulunsad ng mga serbisyong makatutugon sa mga pangangailangan ng bawat sektor ng lipunan partikular na ang mga bata, Senior Citizens, Persons With Disability, Solo Parents, at Persons Deprived with Liberty.
Isa sa mga maaaring tutukan ay ang pagpapalaganap ng Basic Digital Literacy at pagbibigay ng access sa mga e-government services tulad ng Tech4Ed, DOST Starbooks, at e-TESDA.
Sa pamamagitan ng pagtitipon na ito, inaasahan na mas magiging makabuluhan at produktibo ang mga Barangay Reading Centers sa Calapan para sa lahat ng mga Calapeño.