Sa pamumuno ni City Mayor Malou F. Morillo at sa pangunguna ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Dennis Escosora ay naipagkaloob ang isang Emergency Siren sa Baranggay Comunal, ika-24 ng Oktubre.

Tinanggap naman ito ng mga miyembro ng Sangguniang Baranggay ng Comunal na pinangunahan naman ni Kgg. Rolando Masacat.

Layunin naman ng pamahalaang lungsod ang pagpapaigting ng kahandaan ng baranggay sa mga posibleng sakuna.