Nasa kabuuang 43 na Calapeño po ang naging benepisyaryo na ating napagkalooban ng “Emergency Shelter Assistance (ESA)” sa pamamagitan ng pangangasiwa ng City Housing and Urban Settlements Department, sa pamumuno ni CHUSD Officer Engr. Redentor A. Reyes, Jr. Ang mga benepisyaryo ng ESA ay napagkalooban ng mga housing material na mayroong itinakdang halaga na makukuha nila sa hardware o tindahan, sa pamamagitan ng ibinigay na purchase order para dito. Karamihan po sa mga benepisyaryo natin ay mayroong pangangailangan sa pagpapaayos ng kanilang tinitirahan, at ang iba naman ay mga nasunugan. Kaya naman malaking bagay din para sa inyong lingkod na maging instrumento upang maisakatuparan ang isa sa basic needs ng ating nasasakupan at iyon ay ang magkaroon ng maayos na matitirhan.