eLGU SYSTEM AND FREE WIFI FOR ALL SA LUNGSOD NG CALAPAN, INILUNSAD!

Matagumpay na nailunsad ang proyektong Electronic Local Government Unit (eLGU) System at Free WiFi for All, para sa Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod

ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng Management Information System (MIS) Office, sa pamumuno ni Mr. Peter Mervin M. Abogado, Head, MIS Office, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-B MIMAROPA, sa pamumuno ni Dir. Emmy Lou V. Delfin (Regional Director, DICT Region IV-B MIMAROPA), ito ay bahagi ng KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan, ginanap sa Conference Room, Calapan City Hall, Barangay Guinobatan, nitong ika-19 ng Marso.

“Ang teknolohiyang ito, sa tulong ng mga inisyatibong ito, ay magbibigay sa atin ng mas malawak na pagkakataon, upang mapabuti natin ang sistema ng negosyo, mapadali ang mga transaksyon at higit sa lahat, mapabuti ang kalidad ng buhay sa ating lungsod.” – Mayor Marilou Flores-Morillo

Ang Lungsod ng Calapan ay ang unang Local Government Unit na nagkaroon ng eLGU System sa buong Mindoro at pangalawa sa buong rehiyon ng MIMAROPA, kung saan layunin ng proyektong ito na mas padaliin ang proseso ng negosyo, habang pinalalakas ang serbisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga lokal na negosyante sa lungsod.

Dagdag pa rito, binigyang diin din ni Mr. Abogado na makatutulong ito, upang maging systematic at efficient ang pamamahala ng business permit, dahil maaari ng mag-apply at magbayad sa pamamagitan ng online, ang mga may-ari ng negosyo, ano mang oras.

Ayon sa DICT MIMAROPA, ang eLGU system ay isang software solution na idinisenyo ng DICT para sa mga LGU ayon sa R.A. No. 11032, isang batas na nagpo-promote ng “Ease of Doing Business (EODB)” at mabisang paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno, upang maihatid nang mas madali at mahusay ang mga pampublikong serbisyo.

Kaugnay nito, ang “Free WiFi for all” naman ay ang serbisyong pagbibigay ng libreng internet access, para sa mga residenteng mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Calapan na malaking katulungan, para sa mga mag-aaral at mga mamamayang nangangailangan nito.

“This projects are testament to the power of collaboration. I commend Mayor Morillo and the City of Calapan for their commitment to improving public service delivery and creating opportunities for their constituents. Your efforts reflect the values of good governance and innovation, inspiring other LGUs to follow suit.” – Dir. Emmy Lou V. Delfin (Regional Director, DICT Region IV-B MIMAROPA)

Samantala, naging bahagi rin ng naturang aktibidad sina DTI-Oriental Mindoro-Provincial Director, Dir Arnel E. Hutalla, CESO V at DICT OIC- Provincial Officer, Engr. Marvin D. Bejasa, kasama ang mga hepe at empleyado mula sa mga katuwang na departamento at opisina ng pamahalaang lungsod, kalahok din ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), gayundin ay nagpakita ng pagsuporta rito ang mga kasamahan ng punong lungsod sa Team TAMA at iba pang mga panauhing bisita.