“𝑻𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝑮𝒍𝒐𝒃𝒆 𝑻𝒆𝒍𝒆𝒄𝒐𝒎, 𝑰𝒏𝒄. 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒌𝒂𝒖𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒆𝒍𝒆𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒌𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒅𝒊𝒕𝒐 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒎𝒖𝒌𝒍𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏.” – Mayor Marilou Flores-Morillo.

Nagtungo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa Pampublikong Pamilihan ng Lungsod ng Calapan para pangunahan ang launching ng bagong 𝗘𝗖𝗣𝗮𝘆 𝗞𝗶𝗼𝘀𝗸 at bigyang daan ang Ribbon-Cutting Ceremony nitong Miyerkules, ika-22 ng Pebrero 2023.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang taimtim na panalanging handog ni 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗳𝗳 𝗔𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 na sinundan ng pagpapakilala at pagbibigay mensahe ng mga pangunahing panauhing dumalo rito, kabilang ang masigasig na Ina ng Lungsod ng Calapan na si Hon. City Mayor Marilou Flores-Morillo, kasama sina 𝗠𝗿. 𝗘𝗿𝗶𝗰 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗼𝘀𝗼 (𝗔𝗿𝗲𝗮 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗚𝗹𝗼𝗯𝗲 𝗧𝗲𝗹𝗲𝗰𝗼𝗺), 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗶𝗲 𝗔𝗴𝘂𝗶𝗹𝗮𝗿 (𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿, 𝗘𝗖𝗣𝗮𝘆), at 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗚. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 (𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿).

Kaugnay nito, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Mayor Morillo sa Globe Telecom, Inc. para sa pagbibigay nito ng maalwan at mabilis na serbisyo para sa taumbayan.

Gayundin, taos puso rin ang kanyang pasasalamat sa 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni EnP. Nepo Jerome G. Benter dahil naisakatuparan ang mahalagang proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Malaking tulong ito para sa mga mamamayan para sa mabilis at mas pinadaling transaksyon sa pagbabayad ng Bills, Buy Sim & Load, at Cash-in.