Habang pinapalakas ang ating katawan ay kasabay nito’y pinapalakas din ang ating kamalayan ukol sa pangangalaga ng kalikasan.

Ilan lamang iyan sa mga layunin ng isinagawang 𝗘𝗰𝗼-𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽, 𝗧𝗮𝗸𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝘆𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟯 na parte pa rin ng mga nakapaloob na programa sa selebrasyon ng ika-25 Taon ng pagkakatatag ng lungsod ng Calapan.

Araw ng Sabado, Marso 11, ganap na alas-singko ng umaga sa Calapan City Plaza Pavilion ay opisyal na binuksan ang pagsisimula ng 𝒇𝒖𝒏 𝒓𝒖𝒏 na kung saan mula dito ay sabayang tumakbo hanggang New City Hall sa Barangay Guinobatan ang mga kalahok. Lalong nakadagdag ng saya ang paglalagay ng kulay sa kanilang katawan gamit ang binasang color powders.

Sa harapan ng City Hall na siyang nagsilbing finish line ay isinagawa ang isang maikling programa at pagpaparangal sa mga lumahok at mga nanalo sa nasabing kompetisyon.

Dito ay ipinaabot ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗝𝗿., 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿 𝗼𝗻 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 ang kanyang pagsuporta sa nasabing aktibidad. Kanya ring ipinahayag ang pakikiisa ng buong Sangguniang Panlungsod sa mga programang pangkalikasan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼. Sa katunayan aniya ay nakapaghain na siya ng 𝑷𝒓𝒐𝒑𝒐𝒔𝒆𝒅 𝑶𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 upang gawing ‘𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑫𝒂𝒚’ ang petsang Marso 11.

Sa pagbibigay ng parangal sa mga mabibilis at matatag na mananakbo ay kinilala ang mga sumusunod na personalidad na nakatanggap ng cash incentives at medalya:

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗠𝗮𝗹𝗲) – Arnold Asis (P3,000 + medal)

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗙𝗲𝗺𝗮𝗹𝗲) – Naomi P. Aytin (P3,000 + medal)

𝟮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗠𝗮𝗹𝗲) – Randy Pipa (P1,500 sponsored by Calapan Waterworks, Inc. + medal)

𝟮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗙𝗲𝗺𝗮𝗹𝗲) – Cattleya Obando (P1,500 sponsored by Calapan Waterworks, Inc. + medal)

𝟯𝗿𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗠𝗮𝗹𝗲) – Randy Pipa (P1,000 sponsored by Toyoya Calapan City + medal)

𝟯𝗿𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗙𝗲𝗺𝗮𝗹𝗲) – Alexandra Salih (P1,000 cash sponsored by Ms. Noida DG Castro + medal)

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿) – Lorenzo Galindez (P3,000 + medal)

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿 (𝗕𝗲𝗹𝗼𝘄 𝟭𝟴) – Erick Arga (P3,000 cash + medal)

Samantala para sa Special Awards:

𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗻𝘁𝘀 – (P3,000 cash – Calapan Waterworks, Inc. with 32 registered participants)

𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗹𝗼𝗿𝗳𝘂𝗹 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗻𝘁 – Rommel Rubico (P3,000 cash)

Ang mga sumusunod na ahensya at organisasyon na sumuporta sa Eco-Kalap Takbo at Saya 2023 ay binigyan din ng pagkilala:

Tamaraw Fire Volunteers, MBS Riders, Calapan Water Works, Inc., Jollibee Food Corp., Globe Telecom, Toyota, DILG Calapan, Security Bank, Calapan City Joggers Club, Mangyan Bankers Club, Philippine National Police, Development Bank of the Philippines, MMG Hospital, ORMECO, City Trial Court, TESDA, MINSU, PSA, BFP, CALSEDECO at OSCA.

Nakibahagi din dito ang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento sa City Hall. Sa kabuuan ay naging matagumpay ang programang ito dahil sa pangangasiwa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗪𝗶𝗹𝗳𝗿𝗲𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗻𝗱𝗶𝗰𝗵𝗼 na sinusuportahan naman ni City Mayor Malou Morillo.