Sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month, dumalo si City Mayor Malou Flores – Morillo sa 2022 DTI Bagwis Awards and Forum on Service and Repair Enterprises na pinangunahan ni Mr. Arnel Hutalla, Provincial Director ng DTI Oriental Mindoro, sa City Mall Calapan nitong ika-26 ng Oktubre.
Nagagalak namang binati ng Punong Alkalde ang mga awardee dahil sa pinamalas nilang galing na nagdulot upang sila’y mapili na tumanggap ng Bagwis Seal of Excellence.
50 na mga establishments ang nagawaran ng Bagwis Seal of Excellence bilang pagkilala sa kanilang mga best practices na tumutugon sa pangangailan ng mga konsyumer. 29 naman mula sa 50 awardees ay mga establishments sa Lungsod ng Calapan.
Layunin nito na maisulong at panatilihin ang pagkakaroon ng mga establishments ng mga practices, standards, at mga protocols na tumutugon sa kapakanan ng kanilang mga konsyumer. Gayundin ay masiguro na ang mga produkto at serbisyong ibinibigay nila ay de kalidad.
Ang Bagwis Seal of Excellence ay iginagawad sa mga establishments na nagpasa ng aplikasyon, at sumailalim sa mabusising pagsusuri ng DTI na nakaayon sa DTI Department Administrative Order No. 17-08 Series of 2017, Implementing Guidelines on the Grant of Bagwis Award to Business Establishments that Uphold Consumer Rights and Interests, and Practice Business Ethics.



