Bata man o matanda, may ngipin man o wala, lahat ay kasali sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 na kung saan ay muling nilalaro ang mga sinaunang mga palaro o ‘𝑳𝒂𝒓𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒏𝒐𝒚’.

Ginanap ang paligsahan ng mga barangay na kabilang sa 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝟵 na kinabibilangan ng 𝗟𝗮𝘇𝗮𝗿𝗲𝘁𝗼, 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴, 𝗣𝗮𝗹𝗵𝗶, 𝗚𝘂𝘁𝗮𝗱, 𝗠𝗮𝗶𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 at 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆 noong Marso 4, 2023 sa Maidlang Covered Court.

Dito ay sinubok ang husay ng bawat kalahok sa mga larong kinasanayan noong una gaya ng 𝒅𝒂𝒎𝒂, 𝒔𝒖𝒏𝒈𝒌𝒂, 𝒑𝒊𝒌𝒐, 𝒕𝒖𝒎𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒐, 𝒃𝒂𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒕𝒂, 𝒍𝒖𝒌𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒏𝒊𝒌, 𝒉𝒊𝒍𝒂𝒉𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒃𝒊𝒅 at ang nakakaaliw na 𝒌𝒂𝒅𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒚.

Dahil nais ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na masaksihan kung paano niya napapasaya ang kanyang mga minamahal na kababayan ay nagsadya siya sa Barangay Maidlang. Sa pagdating ni Mayor Malou sa nasabing aktibidad ay ikinatuwa ito ng mga Sangguniang Barangay sapagkat batid nila na sumusuporta ang Ina ng Lungsod upang bigyang-kasiyahan ang kanilang mga ka-barangay. Ipinahayag naman ni Mayor Malou ang kanyang kagalakan na ang lahat ng edad ay kasali sa inihandang mga palaro ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.

Nais umano ng Pamahalaang Lungsod na ang mga aktibidad na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod kaugnay sa nalalapit na 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 ng Calapan City ay maramdaman din sa malalayong barangay.

Matapos ang kalahating araw ng walang humpay na pagtatagisan ng lakas at talino ay tinanghal na kampyon sa Larong Pinoy para sa 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝟵 ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗾𝘂𝗶.

Bagamat naging magkakalaban sa kompetisyon subalit sa pamamagitan nito ay nabuo ang magandang ugnayan sa pagitan ng bawat barangay na kalahok.