“𝑳𝒂𝒓𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒚𝒂, 𝒍𝒂𝒓𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂, 𝒍𝒂𝒓𝒐 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂!”
Nagtungo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa Barangay Managpi, upang saksihan ang 𝗟𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 ng 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝟴 na ginanap sa Managpi Covered Court nitong araw ng Linggo, ika-5 ng Marso.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang sa 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na nilahukan ng mga manlalaro ng District 8 na mula sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗻𝘀𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝗮𝘁𝗶𝗻𝗼, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗚𝘂𝗹𝗼𝗱, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗽𝗶, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼, at 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻.
Ang mga kalahok ay nagtagisan ng galing at nagpamalas ng angking kahusayan sa larangan ng 𝑺𝒖𝒏𝒈𝒌𝒂, 𝑫𝒂𝒎𝒂, 𝑷𝒊𝒌𝒐, 𝑩𝒂𝒕𝒐𝒏𝒈-𝒃𝒂𝒕𝒂, 𝑻𝒂𝒈 𝒐𝒇 𝑾𝒂𝒓, 𝑻𝒖𝒎𝒃𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒕𝒂, 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒅𝒂𝒏𝒈-𝑲𝒂𝒅𝒂𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒍𝒂𝒚.
Matagumpay na naisagawa ang gawain sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.
Itinanghal naman 𝗢𝘃𝗲𝗿𝗮𝗹𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗻𝘀𝗶𝗵𝗮𝗻 na isa rin sa nagpamalas ng kakaibang husay at galing sa mga inilatag na palaro.
Kaugnay nito, nagbigay ng mensahe ang butihing Ina ng Lungsod sa mga nakiisa sa aktibidad, at taos-puso rin siyang nagpasalamat sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lungsod na nasa likod ng matagumpay na gawaing ito.
Ayon kay Mayor Morillo, ang makabuluhang palarong ito ay mayroon mahalagang layunin na ninanais mabigyang katuparan sa kasalukuyang panahon, at ito ay ang maipaalala at maipasa sa susunod na henerasyon lalo na sa mga kabataan ang mga Larong Pinoy na bahagi ng kulturang Pilipino.
Hinihikayat din niya na makiisa ang lahat para ipagpatuloy ang ganitong uri ng mga palaro upang mas lalo itong mapagyabong hanggang sa hinaharap.













