Nagtungo si 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 sa Barangay Bayanan I upang matunghayan ang 𝗟𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗻𝗼𝘆 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 ng District 5, ika-25 ng Pebrero.

Sila din ang personal na nag-abot ng mga parangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang larong pinoy na ginanap sa araw din na ito.

Samantala, ang ikalimang distrito ay binubuo ng 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹, 𝗧𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻, at ang hinirang na Overall Champion, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹.

Ang #LarongPinoy#Barangaylympics ay kabilang sa pagdiriwang ng 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟯 na pinangungunahan ng City Youth and Sports Development Department, sa pamumuno ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.