Distribution of Financial Assistance: Senior Citizens Birthday Payout 2024

PANOORIN | Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang “Distribution of

Financial Assistance: Senior Citizens Birthday Payout 2024″, sa City Mall Barangay Ilaya, nitong ika-3 ng Hulyo.
Nasa kabuuang 138 na mga kuwalipikadong senior citizen ng lungsod ng Calapan ang nakatanggap ng regalong ayuda, alinsunod sa City Ordinance No. 91 Series of 2021, kung saan nakasaad sa section 3 nito na ang mga benepisyaryong senior citizens na may edad 70, 75, 80 ,85, 90, 95 at 100 na taong gulang ay maaaring makakuha ng tulong pinansyal, batay sa kanilang edad, pagkatapos makasunod sa mga itinakdang kondisyon para rito.