Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang “Distribution of Financial
Assistance: Senior Citizens Birthday Payout 2024″, sa City Mall Barangay Ilaya, nitong ika-3 ng Hulyo.
Nasa kabuuang 138 na mga kuwalipikadong senior citizen ng Lungsod ng Calapan ang nakatanggap ng regalong ayuda, alinsunod sa City Ordinance No. 91 Series of 2021, kung saan nakasaad sa section 3 nito na ang mga benepisyaryong senior citizens na may edad 70, 75, 80 ,85, 90, 95 at 100 na taong gulang ay maaaring makakuha ng tulong pinansyal, batay sa kanilang edad, pagkatapos makasunod sa mga itinakdang kondisyon para rito.
Samantala, matagumpay itong naisakatuparan sa pangangasiwa ng pamunuan ng City Social Welfare and Development Department na pinamumunuan ni CSWD Officer, Ms. Juvy L. Bahia, RSW, Serbisyong TAMA Center, sa pamumuno ni STC Program Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco, at City Treasury Department na pinamumunuan ni City Treasurer, Mr. Nicasio D. Catapang.
Samantala, nakiisa at nagpakita rin ng pagsuporta sa nasabing aktibidad sina City Councilor Atty. Jel Magsuci, Mr. Jaypee M. Vega (Head of Barangay Affairs & Sectoral Concerns), Former City Councilor Ms. Mylene de Jesus, at Ms. Agatha Ilano.