Bilang pakikiisa sa aktibidad, pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci ang isinagawang “𝑯𝒚𝒃𝒓𝒊𝒅 𝑺𝒆𝒆𝒅𝒔 𝑫𝒊𝒔𝒕𝒓𝒊𝒃𝒖𝒕𝒊𝒐𝒏” sa ilalim ng inilunsad na 𝗠𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, para sa mga magsasaka ng Lungsod ng Calapan, ginanap sa Barangay Panggalaan Covered Court nitong ika-16 ng Nobyembre.
Dito ay nakadaupang-palad ng Punong Lungsod sina 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗲𝗹𝗼 𝗕𝗲𝗹𝗱𝗮 at 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻 𝗠𝗿. 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗠. 𝗕𝘂𝗺𝗼𝗵𝘆𝗮, gayundin ang mga opisyal at benepisyaryong magsasaka na mula sa Barangay 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻, 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼, 𝗮𝘁 𝗕𝘂𝗵𝘂𝗮𝗻.
Mahigit sa isandaa’t isang (𝟭𝟬𝟭) bags ng 𝟭𝟱 𝗸𝗴 na hybrid na binhi ang ipinagkaloob sa mga nasabing magsasaka ng Brgy. Panggalaan na nakadepende sa bilang ng kanilang hektaryang palayan, kung saan ito ay kaloob ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamamahalaan ni 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒊𝒔𝒕, 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮.
Samantalang nakatanggap naman ng isandaang (𝟭𝟬𝟬) bags ng nasabing binhi ang mga magsasaka na mula sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝘂𝗰𝗮𝘆𝗮𝗼 at dalawandaang (𝟮𝟬𝟬) bags naman sa 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝘂𝗵𝘂𝗮𝗻.
Dagdag pa rito, pinuntahan din ni Mayor Morillo ang mga kasapi ng 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗜𝗜 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na pinamumunuan ng 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒖𝒍𝒐 nito na si 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗴𝗮𝗿 𝗖. 𝗕𝗮𝗹𝗺𝗲𝘀, kung saan dalawangdaang (𝟮𝟬𝟬) bags ng hybrid seeds naman ang ipinamahagi rito na may variety na 𝗦𝗟𝟭𝟵-𝗛 at 𝗟𝗣-𝟮𝟬𝟵𝟲