DISTIRBUSYON NG FINANCIAL ASSISTANCE – SENIOR CITIZENS BIRTHDAY PAYOUT 2024

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang “Distribution of Financial Assistance: Senior Citizens Birthday Payout 2024”, sa Calapan City Hall, Kalap Court,

nitong ika-20 ng Nobyembre. Nasa kabuuang 190 na mga kwalipikadong senior citizen ng Lungsod ng Calapan ang nakatanggap ng regalong ayuda, alinsunod sa City Ordinance No. 91 Series of 2021, kung saan nakasaad sa section 3 nito na ang mga benepisyaryong senior citizens na may edad 70, 75, 80 ,85, 90, 95 at 100 na taong gulang ay maaaring makakuha ng tulong pinansyal, batay sa kanilang edad, pagkatapos makasunod sa mga itinakdang kondisyon para rito.