Dinaluhan ng mga City link, Social Welfare Assistant, at Municipal Roving Bookkeeper ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 – 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na mula sa 1st District (𝑷𝒖𝒆𝒓𝒕𝒐 𝑮𝒂𝒍𝒆𝒓𝒂, 𝑺𝒂𝒏 𝑻𝒆𝒐𝒅𝒐𝒓𝒐, 𝑩𝒂𝒄𝒐, 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑪𝒊𝒕𝒚, 𝑵𝒂𝒖𝒋𝒂𝒏, 𝑽𝒊𝒄𝒕𝒐𝒓𝒊𝒂, 𝑺𝒐𝒄𝒐𝒓𝒓𝒐, at 𝑷𝒐𝒍𝒂) ang Set 12 Cluster Meeting na ginanap sa Local Government Center, ABC Hall, Barangay Guinobatan, Calapan City nitong Martes, ika-07 ng Pebrero 2023.

Ang naganap na aktibidad ay nasa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na pinangunahan ni 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗟𝗶𝗻𝗸 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗱𝗲𝗹 𝗧. 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝘂𝗲𝘇, 𝗥𝗦𝗪, kung saan ay tinalakay rito ang tungkol sa Households Replacement Activity 2023.

Kaugnay nito, binigyang pansin din sa naturang gawain ang tungkol sa Community Assembly Form na siyang gagamitin para sa registration for possible members ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Tinatayang nasa 𝟳𝟬𝟲 na benepisyaryo ang inaasahan nilang magiging bagong miyembro nito na mula sa Lungsod ng Calapan.

Kung sila ay makapapasa, maaari silang makatanggap ng benepisyo depende sa kung saan sila nabibilang.

Para sa mga benepisyaryong pumapasok sa Elementary ay makatatanggap ng 𝗣𝗵𝗽 𝟯𝟬𝟬, sa Junior High School ay 𝗣𝗵𝗽 𝟱𝟬𝟬, at para naman sa Senior High School ay 𝗣𝗵𝗽 𝟳𝟬𝟬.

Sa kasalukuyan, mayroong 𝟰,𝟳𝟮𝟬 aktibong benepisyaryo ang 4Ps na patuloy na nabibiyayaan ng ibinibigay na ayuda.

“𝑾𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒏𝒆𝒓𝒔, 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒂𝒚𝒂𝒘 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊 ‘𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒏𝒕𝒊𝒏𝒅𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒃𝒆𝒕𝒘𝒆𝒆𝒏 𝑫𝑺𝑾𝑫 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏. 𝑲𝒂𝒔𝒊 𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐, 𝒎𝒖𝒄𝒉 𝒃𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒏𝒂 ‘𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒚𝒂𝒓𝒊 𝒔𝒂 𝑫𝑺𝑾𝑫 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒓𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒔𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒔𝒆𝒔𝒐.” mensaheng ipinabatid ni Mayor Morillo para sa kanila.

Dagdag pa rito, nangako rin siya na tutulong sa pag-aksyon ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng pagpapakilos sa Community Organizers para suriin kung tama ang mga makukuhang datos para sa mga possible indigent na maaaring maging benepisyaryo ng programa.