Sa pamamagitan ng Adopt-a-School Program ni City Mayor Marilou Flores – Morillo at sa pakikipag-ugnayan sa City Health and Sanitation Department, Oriental Mindoro Provincial Health Office, at DepEd Calapan, binigyang-tugon ang hiling na magsagawa ng iba’t ibang libreng dental care services sa mga mag aaral ng Nag-iba National High School nitong ika-25 ng Nobyembre sa kanilang paaralan. Ilan sa mga serbisyong hatid sa mga mag-aaral ay ang libreng oral health orientation, extraction, cleaning, at restoration ng ngipin. Layunin ng programa na ipalaganap sa Lungsod ng Calapan ang kahalagahan ng pangangalaga ng ngipin para sa overall wellness ng mga kabataan. Target din ng naturang departamento sa pangunguna ni City Health Officer Basilisa M. Llanto na magsagawa ng dental mission sa Calapan City Jail sa susunod na linggo at nakatakdang rin ang pagbisita nila sa mga day care centers upang ipagpatuloy ang adbokasiyang “good oral hygiene” na siyang daan naman sa mas magandang development and growth ng mga bata. Ito ay ilan sa mga hakbang ng Administrasyong Morillo-Ignacio upang mas mailapit ang mga serbisyong tama sa mga Calapeno sapagkat naniniwala ang Pamahalaang Lungsod na magiging maunlad ang Calapan kung malusog ang ating pamayanan.




