Dumalo at nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa selebrasyon ng 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑾𝒆𝒆𝒌 na ngayong taon ay makabuluhang ginunita ng mga mag-aaral at pamunuan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀.
Tinalakay ang 𝑫𝒆𝒎𝒚𝒔𝒕𝒊𝒇𝒚𝒊𝒏𝒈 𝑬𝑫𝑼𝑪𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 5.0 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒆𝒙𝒕 𝒐𝒇 𝑪𝑪𝑪: 𝑻𝒉𝒆 𝑹𝒊𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝑯𝒚𝒇𝒍𝒆𝒙 𝒂𝒏𝒅 𝑮𝒆𝒏𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑨𝒓𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒍𝒍𝒊𝒈𝒆𝒏𝒄𝒆 (𝑮𝑨𝑰), Kalap Hall, City College of Calapan Building, City Hall Complex, Disyembre 16, 2023.
Dito ay dumalo sa aktibidad ang mga mag-aaral na kumukuha ng mga kursong Bachelor of Science in Education (Mathematics and Science Major) at Bachelor of Special Needs in Education sa Dalubhasaang Panlungsod ng Calapan.
Naging laman ng mensahe ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang kanyang masidhing layunin na mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon na ipinagkakaloob ng City College of Calapan para sa kabataang Calapeño.
Pinagtutunan din aniya ng pansin ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang magbibigay ng ayuda at insentibo sa lahat ng mag-aaral gaya ng 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑭𝒊𝒏𝒂𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ng mga naging tagapagsalita sa nasabing aktibidad ay ang mga sumusunod:
• Valuing Educational Technology – Dr. Leonicia Marquinez
• Inclusive and Equitable Education – Ms. Nelma Viaña
• Demystifying Education 5.0 – Dr. Rocelia Bayan