Isa na namang bagong branch ng DALI Everyday Grocery ang opisyal na binuksan sa Calapan, ito’y matatagpuan sa Brgy. Libis. Ang pagbubukas ng nasabing store ay inaasahang magdudulot ng positibong epekto sa ekonomiya ng lungsod, lalo na’t patuloy ang paglago ng mga negosyo sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Malou Flores-Morillo. Hindi na din mabilang ang mga negosyo na nagbubukas sa Calapan, na nag-aambag sa masiglang komersyo at nagbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Calapeno. Ang bagong branch ng DALI Grocery ay isa sa mga patunay ng tiwala ng mga negosyante sa lungsod bilang isang sentro ng pag-unlad dito sa Oriental Mindoro.