Matagumpay na naisagawa ang unang bahagi ng 𝗖𝘂𝗿𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘂𝗺 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 na dinaluhan ng mga Program Heads at ng mga Teaching and Non-Teaching Staff ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na ginanap sa CCC Kalap Hall, Barangay Guinobatan, Calapan City nitong Huwebes, Ika-16 ng Pebrero 2023.

Ang aktibidad ay opisyal na binuksan at sinimulan sa pangunguna ni 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗙. 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, kaagapay ang mga Program Heads na sina 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗲𝘆 𝗠. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮, 𝗠𝗜𝗧 (𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗕𝗦𝗜𝗦), 𝗠𝗿. 𝗝𝗵𝗼𝗽𝗲𝘁 𝗢𝘀𝗼𝗿𝗶𝗼, 𝗠𝗜𝗛𝗠 (𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗕𝗦𝗛𝗠) at 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗺𝗮𝗻𝗱𝗼 𝗟𝗮𝗺𝗯𝗼𝗹𝗼𝘁𝗼, 𝗝𝗿. (𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗛𝗲𝗮𝗱, 𝗕𝗦𝗘𝗱-𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲).

Binigyang daan ng panauhing tagapagsalita mula sa 𝗧𝗮𝗿𝗹𝗮𝗰 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 na si 𝗗𝗿. 𝗖𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗔𝗻𝗻𝗲 𝗢𝗹𝗶𝘃𝗮𝗿𝗲𝘀 (𝗗𝗲𝗮𝗻, 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 /𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗖𝘂𝗿𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘂𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻) ang pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon at kaalaman na nakaangkla sa paksang “𝑪𝒖𝒓𝒓𝒊𝒄𝒖𝒍𝒖𝒎 𝑹𝒆𝒗𝒊𝒆𝒘 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒆𝒔𝒊𝒈𝒏” na tiyak na makatutulong para sa epektibong pagganap ng mga guro para sa kanilang tungkulin bilang mga huwarang tagapagturo at tagapaghubog ng Dalubhasaan.

Kaugnay nito, may mahalagang papel ding ginampanan sa isinagawang gawain ang 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗳𝗼𝗿 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 na si 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗻𝗮 𝗧. 𝗖𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼𝗮 na kapwa nagmula rin sa Tarlac Agricultural University bilang tagapagsalita naman para sa Research, kung saan naging daan ito upang magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng bawat isa na siya namang nagbunga ng pagpapalitan ng mga kanya-kanyang ideyang sumasalamin sa kaligiran at kahalagahan ng pananaliksik na kinakailangang bigyan ng pansin.

Ang ganitong uri ng gawain ay buong pusong sinusuportahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, sapagkat batid niyang makatutulong ito sa pagpapaunlad ng kakayahan at pagpapayaman ng kaalaman ng bawat isa.

Ang Seminar ay inaasahang mayroon pang ikalawang bahagi na magaganap sa susunod na araw, ngayong darating na Biyernes, ika-17 ng Pebrero 2023.