Naging pangunahing bahagi sa ginanap na Culinary Competition and Tourism Convention si City Mayor Malou Flores-Morillo, ngayong ika-4 ng Mayo 2024. Ang kumpetisyon ay nilahukan ng mga studyante mula sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHM) at Bachelor of Science in Travel and Tourism Management (BSTM) , na nagpakita ng kanilang kahusayan sa larangan ng kulinarya at turismo.
Sa pangunguna ni Dr. Ronald F. Cantos, City College Administrator, kasama ang ilan pang mga opisyal at staff ng paaralan, ang aktibidad na ito na nagbigay daan sa mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang galing at talento.
Kasama din ni Mayor Morillo sa pagdalo sina City Councilor, Atty. Jel Magsuci, Chief of Staff, Mr. Joe Umali, Ms. Mylene De Jesus, Ms. Agatha Ilano, at Barangay Affairs and Sectoral Concerns Head, Mr. Jaypee M. Vega. Ang kaganapan ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi isang oportunidad din para maiparating ang pangangailangan ng karagdagang pasilidad para sa mga estudyante. Ang pangangailangan para sa isang bagong laboratory building para sa Hospitality Management and Tourism Management ay agad na sinang-ayunan ni Mayor Morillo.