CSHD:BLOOD LETTING ACTIVITY!

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ang isang Blood Letting Activity, ika-12 ng Marso, sa Kalap Hall Building,

na pinamahalaan naman ng City Health and Sanitation Department.
Ang naturang Blood Letting Activity ng CHSD ay nakaugalian ng maging bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calapan.
Tinatayang nasa halos 150 ang inaasahang kabuoang blood donors na magmumula sa hanay ng PNP, BFP, mga BNS, BJMP, CGC employees, at iba pang walk in donors.
Naging katuwang nina Dr. Maria Mencee E. Alferez – Program Manager City Government Health Development Program, sa nabanggit na gawain ang Red Cross Mindoro Chapter, CHRMD at ang buong pwersa ng City Health and Sanitation Department.
BUONG PUSONG PAGTULONG SA CALAPENO, MAAASAHAN MULA KAY MAYOR MALOU!