Sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department (CASD), matagumpay na naipamahagi ang crop insurance checks sa 79
magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod na ginanap sa Calapan City Agricultural Demonstration Center, Barangay Biga. Ang kabuuang tulong na nagkakahalaga ng ₱494,243.40 ay mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa pamumuno ni Mr. Noel Mariqueta.