Sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng crop insurance check, sa ilalim ng PCIC Claim of Indemnity Distribution activity para sa 76 na benepisyaryong magsasaka ng Lungsod ng Calapan, kung saan
ito ay mayroong kabuuang halaga na ₱442,575.58, ginanap sa Calapan City Agricultural Demonstration Center, Barangay Biga, nitong ika-17 ng Enero.
Naisakatuparan ang nasabing distribusyon sa pangangasiwa at pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department, sa pamumuno ni Mayor Malou Morillo, kasama si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Ang naturang aktibidad ay sinusuportahan ng mga kasamahan ng punong-lungsod sa Team TAMA, kung saan dito ay dumalo at nagpakita ng pakikiisa si Mr. Ruel M. Cosico.