Inilapit na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang mga pagunahing serbisyo sa mga Mindoreno sa pamamagitan ng pormal na pagbubukas ng kanilang service center sa Mindoro
State University – Calapan City Campus, Oriental Mindoro. Ang PRC, sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay binuksan sa Lungsod ng Calapan, ika-18 ng Pebrero. Sa pakikipagtulungan ng MINSU, at ilan pang konsernadong indibidwal, opisina at ahensya, naging posible ang katagumpayan ng pagbubukas ng PRC Service Center MIMAROPA. Nagpaunlak at nakiisa sa nabanggit na inagurasyon sina Dr. Reynaldo D. Agcaoili – PRC 4B Regional Director, Hon. Erwin M. Enad – Commissioner, PRC, Dr. Ronilo Dela Cerna – Supervising PRO, Application Section, Dr. Enya Marie D. Apostol – MINSU President at Calapan City Mayor Malou Flores Morillo.







