CONGRATULATIONS SA MGA BAGONG REGISTERED LIBRARIAN NG CITY COLLEGE OF CALAPAN!

Sa presensya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, Vice Mayor Rommel ‘Bim’ Ignacio, at City College of Calapan Administrator, Dr. Ronald F. Cantos, binigyang daan sa Calapan City Hall, nitong ika-23 ng Setyembre, ang pagkakaloob ng Sertipiko ng Pagkilala, para sa mga mahuhusay na mag-aaral ng City College of Calapan mula sa Bachelor of Library and Information Science na matagumpay na nakapasa sa naganap na ‘Computer-Based Licensure Examination for Librarians’, nitong nagdaang Setyembre 2024, kung saan nakamit ang 55.56% institutional passing rate, samantalang 48.77% naman para sa national passing rate