Sa matagumpay na pagkamit ng BRONZE MEDAL sa Chess Standard B2 Women event sa idinaos na 8th Philippine National PARA Games 2024 na ginanap nitong ika-10-14 ng Nobyembre 2024,
ang talentadong Calapeno na si Ms. Charmaine M. Tonic ay pinagkalooban ng Sertipiko ng Pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, katuwang ang CYSDD, CSWDD at PDAO, bilang pagpapahalaga para sa kanyang ipinamalas na angking kahusayan at pagbibigay karangalan sa lungsod, ginanap sa Calapan City Hall, ngayong ika-20 ng Enero.